Binawian ng buhay ang isang welder nang makuryente habang nagwe-welding ng pundasyong bakal ng isang itinatayong gusali sa loob ng compound ng University of Sto. Tomas (UST) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Randy Itang, 35, stay-in worker sa Blue Scorpion Builders.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 2:00 ng hapon sa construction site na nasa loob ng UST compound.

Nagwe-welding umano ng bakal si Itang nang aksidenteng mapahawak siya sa live wire, kaya nakuryente siya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa salaysay sa pulisya ng mga katrabaho ng biktima na sina Elmer Baylon at Joel Tirana, nagulat sila nang makitang nangingisay na bumagsak ang biktima.

Nataranta naman sina Baylon at Tirana at sa halip na sa UST Hospital ay sa JRMMC pa naisugod ang biktima.

(Mary Ann Santiago)