Nabigo si Filipino mixed martial arts fighter Jimmy Yabo na masungkit ang titulo makaraang talunin ito ni Singaporean Amir Khan.

Ang 34-anyos na si Yabo na mula sa Cebu City ay isa sa mga undercard ng ONE Championship: Pride of Lions sa Singapore Indoor Stadium.

Sa unang round pa lang, halos hindi na nagawang lumaban pa ni Yabo nang sugurin ito ng sunud-sunod na suntok ng kalaban.

Sinamantala naman ni Khan ang pagkakataon nang matumba si Yabo at ginamitin niya ito ng hammer fist.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunga nito, nag-tap out na si Yabo sa 4:17 minuto at nakuha ni Khan ang technical knockout na panalo sa unang round pa lang.

Si Khan ang isa sa mga pinagpipilian makalaban ni Filipino boxing champ na si Representative Manny Pacquiao sa kanyang huling laban.

Kamakailan, ibinalita ni Khan na lumagda na siya ng kontrata para sa kanilang laban ni Pacquiao sa Las Vegas pero madiin itong itinanggi ng huli.

“I’ve not talked to Bob Arum yet, but it’s possible. It’s part of our plan, we have Amir Khan, Danny Garcia, Terrence Crawford or Timothy Bradley,” sabi ni Pacquiao sa Gulf News. “But I don’t know yet, a lot of names have been given to me by my promoter Bob Arum. [It’s] not yet [decided, but] we are going to finalize.”

Iginiit ni Pacquiao na desidido siyang magretiro sa boksing na larangang nagpasikat sa kanya sa buong mundo para harapin ang karerang pampulitika. Si Pacquiao ay nakatakdang lumaban sa pagka-senador sa darating na eleksiyon sa Mayo 2016. (Abs Cbn Sports)