Nagtalaga na ang Department of Justice (DoJ) ng mga piskal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hahawak sa kaso ng mga mahuhulihan ng bala sa bagahe.

Ayon kay DoJ Undersecretary Emmanuel Caparas, noon pang Nobyembre 5 nang magtalaga sila ng mga piskal sa mga paliparan.

Sinabi ni Caparas na isang piskal kada araw ang nakatalaga sa NAIA na hahawak ng lahat ng mga kaso mula Terminal 1 hanggang Terminal 4.

Ang lahat ng mahuhulihan ng bala sa paliparan ay sasailalim pa rin sa inquest proceedings, ayon sa pahayag ng DoJ.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pero kung sa tingin ng piskal ay mukhang inosente ang nahulihan ng bala batay sa sirkumstansya ng insidente, maaaring magpasya ang piskal na palayain pansamantala ang respondent pero isasailalim ito sa full-blown preliminary investigation.

Ibig sabihin, kung idedeklara na released for further investigation ang respondent, maaari siyang makahabol sa kanyang biyahe dahil kailangang madaliin ang pagpapalabas ng resolusyon.

Sa ganitong pagkakataon, dapat na ipaalam sa respondent na kailangan niyang dumalo sa preliminary investigation, pero desisyon pa rin ng respondent kung siya ay lalahok sa imbestigasyon, dahil ang kaso ay maaari namang desisyunan kahit walang partisipasyon ang respondent sa mga pagdinig.

Puwede rin namang magpasya ang piskal na ibasura agad ang reklamo. (Beth Camia)