BEIRUT (Reuters) – Patay ang 43 katao at mahigit 240 ang nasugatan noong Huwebes sa dalawang suicide bombing na inako ng Islamic State sa isang residential district sa timog ng Beirut, ang teritoryo ng Shi’ite Muslim group na Hezbollah.

Halos magkasabay na nangyari ang pagsabog noong Huwebes ng gabi at tumama sa isang Shi’ite community center at karatig na bakery sa commercial at residential area ng Borj al-Barajneh, sinabi ng security sources. Malapit din ito sa isang guwardiyadong ospital ng mga Hezbollah.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo