NAGMAMADALING umalis ng bahay si Isabel, bitbit ang backpack at nakasalpak ang earphone sa tainga. Relax na relax siya habang patungo sa eskuwelahan dakong 8:00 ng umaga.

Isa siyang freshman sa eksklusibong unibersidad sa Maynila na nagko-commute araw-araw sa pagpasok sa kanyang klase.

Bago sumabak sa eksaminasyon, nakikinig si Isabel sa kanyang iTouch na umaapaw sa tugtugang pang-bagets. Tuwing nasa pampasaherong jeep, todo ang volume ng kanyang sound system kasabay ng patangu-tango ng ulo sa pagsabay sa tempo ng tugtugin. Cool na cool baga ang dating.

Ma-traffic ang umagang iyon, pero maagang nakaalis si Isabel sa bahay para may allowance sa oras sakaling magkaaberya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

At nangyari na nga ang lagi niyang kinatatakutan. Habang patungo sa paaralan, naipit ang sinasakyan niyang jeep sa trapik sa Magallanes sa Makati City.

Sa gitna ng kanyang pakikinig sa sounds, napansin niyang sumisigaw ang pasahero na nasa kanyang harapan, bagamat hindi niya ito naririnig dahil sa lakas ng volume ng kanyang iTouch. Unang inakala ni Isabel na nagda-dub smash lang ang ale.

At nang iangat niya ang kanang earphone, narinig ni Isabel ang sigaw ng babae: “Hayup ka, mamang driver! Gumising ka! Papatayin mo ba kami?!”

Paulit-ulit na binigkas ng babae ang mga katagang ito, na may singit pang mura.

Namumula sa galit at halos ibato ng ale ang hawak na payong sa jeepney driver. Kasabay nito, sabay-sabay bumusina ang driver ng mga sasakyan na nabarahan ng jeepney.

Nakaririndi ang pagmumura ng pasahero at busina ng ibang mga driver, ayon kay Isabel.

At nang ibaling ni Isabel ang kanyang paningin sa harapang bahagi ng jeep, napansin niya na nakatungo ang driver.

Kinalabit ng katabing pasahero, subalit hindi rin ito gumalaw. Tulog na tulog ang pesteng mama!

Patuloy naman ang pagbubunganga ng babaeng pasahero at matapos ang ilang segundo, nagising na rin si “Mamang Driver”.

“Pasensiya na po sa inyong lahat. Lagare pa po ako sa biyahe kahapon pa,” sabi ni Mamang Driver.

Napansin ni Isabel na namumula ang mata ng driver, at halos hindi maintindihan ang mga sinasabi.

Sa puntong ito, kinakabahan na si Isabel, dahil posibleng kargado ng droga ang jeepney driver at kapag naburyong, hindi malayong maghuramentado ito.

Hindi nakapalag ang antuking driver at pabulung-bulong pa ito habang nagmamaneho nang mabagal. Hindi rin tumigil sa pagbubunganga ang pasahero hanggang sa bumaba ang lahat sa Pasay-Rotonda.

Nang papasakay na si Isabel sa LRT Station, tumigil siya sa paglalakad at nagdasal: “Salamat po, Panginoon at iniligtas n’yo ako sa kapahamakan.”

(Email: [email protected]) (ARIS R. ILAGAN)