JAKE VARGAS copy

NAGTAKA ang kampo ni Jake Vargas kung bakit parang sobra ang galit ni Bea Binene sa actor. Hindi raw nila alam, lalung-lalo na si Jake, kung ano ang dahilan at binalewala ni Bea ang dating ka-love team sa katatapos na debut ng aktres.

“Sobrang laki naman yata ng galit niya kay Jake kung kaya kulang na lang na tratuhin niya na parang wala lang at hindi niya naramdaman sa kanyang debut. Parang hindi niya nakita si Jake,” sey ng katoto namin na isa sa mga tagapagtanggol ni Jake.

Paliwanag ng kausap namin, hindi naman daw ipinagtaka ni Bea ang pagdating ng alaga ni Kuya Germs sa okasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Siyempre, kahit wala si Jake sa original list ng mga invited guest niya, eh, still inimbita rin naman niya ‘yung tao. Bilang respeto rin at may pinagsamahan naman silang dalawa bilang dating magka loveteam, eh, dumating si Jake,” litanya ng kausap namin.

Last minute na lang daw nakapagdesisyon si Jake na dumalo sa debut ni Bea dahil sa kagustuhan nitong pagbigyan din ang imbitasyon ng huli. Pero kung alam lang daw nila na ganoon ang mangyayari kay Jake ay pinapayuhan na lang sana nila ito na huwag nang dumalo.

“’Kaloka, wala man lang si Jake ni isa sa maraming pictures ng mga bisita na lumabas sa social media. Hindi rin nila isinama sa 18 roses ang binata na sinasabi pa nilang reunion daw ng Tween Hearts,” siyentimento pa ng aming katoto.

(JIMI ESCALA)