LEMERY, Batangas - Dahil umano sa paglalaro ng lutu-lutuan ng isang bata kaya nasunog ang may 33 bahay sa Lemery, Batangas, nitong Linggo.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Mark Gil Ortiz, dakong 1:15 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ni Maribel Imelda sa Barangay Sambal Ilaya.

Naglalaro umano ng lutu-lutuan ang anak ni Imelda, hanggang sa masunog ang bahay ng huli at nadamay ang iba pa, na pawang gawa sa light materials.

Inabot ng mahigit dalawang oras bago naapula ang apoy, na tumupok sa P600,000 halaga ng ari-arian.

Probinsya

Bangkay ng hinihinalang NPA, nadiskubre ng militar kasama ng iba pang mga armas

Wala namang namatay o nasugatan sa naturang sunog. (Lyka Manalo)