ITO ay tungkol sa isinagawang raid ng Bureau of Corrections, Special Weapons and Tactics ng Philippine National Police, at Philippine Drug Enforcement Agency sa mga dormitory ng Comando, Sige-sige at Sputnik Gang. Ang namahala sa raid ay si NBT Supt. Richard Schwarzkpf.

Ayon kay Schwarzkpf, ang mga sumalakay ay nakasamsam ng baul ng mga baril assult-rifles, limang 12- jauge shotgun, 30 caliber rebolber, gun silencer, 50,000 bala at 60 matatalas na gamit na nakabaon sa bunk ng Commando gang leader.

Ang mga baril ay nakabalot sa plastik at natagpuan sa isang abandonadong kubol ng nasabing gang leader.

Bukod sa mga baril at balang nakumpiska, nakasamsam din ang mga pulis ng sex toys, shabu, drug paraphernalia, wooden knuckle, wine maker dispenser at mga gadget katulad ng flat screen television, refrigerator, mobile phone, chargers at 400,000 cash.

Katakut-takot na armas at bala ang nasamsam sa NBP, samantalang sa NAIA isang lumang bala lamang ay kulong kana at may kaso ka pa.

Sa NAIA, isang bala lamang ang matagpuan sa bagahe mo, na ayon pa sa pahayag ng mga biktima ay inilagay lamang sa kanilang maleta ay dadakpin kana nadaig mo pa ang nakapatay ng senador. Kahit na ang balang natagpuan sayo ay noong panahon pa ng Hapon na ihagis mo man sa siga ay hindi puputok. Kahit nga ang matandang babae na nagsuot ng kuwintas na may palawit na hugis bala na nagsilbi umano niyang agimat ay hindi nakaligtas. Makukulong ka o maglalagay ka?

Sa Muntinlupa, hindi lamang isang bala kundi isang kahon ng mga bala at may mga armas pa pero ayos lang. Dahil alam nilang hindi na sila makakasuhan pa dahil may mga kaso na at hindi na rin makukulong pa dahil mga nakakulong na.

Pero ang tanong ay ito, papaanong naipapasok ang isang tambak na mga gamit na iyon pati na mga refrigerator at kung anu-ano pa? Takot bang hulihin ito ng mga guwardiya? Pati ba ang director ng NBP ay takot din? Sa Munti ay bawal ang duwag. Kung duwag kayo, mag-resign na lang kayo at magkamot ng kili-kili niyo.

***

Birong Pinoy

Sa palengke isang umaga:

SEGUNDA: Mare, pagsabihan mo nga ang anak mo. NINAKAW kasi ang baon ng anak ko.

HULYANA: Ninakaw ng anak ko? Naku, pasensiya ka na mare, nagpa-practice na kasi ang anak ko, eh.

SEGUNDA: Nagpa-practice magnakaw?

HULYANA: Oo mare. Pangarap kasi ng anak ko maging senador, congressman o opisyal ng gobyerno, eh.

SEGUNDA: Kaya pala. (ROD SALANDANAN)