PANIQUI, Tarlac – May teorya ang pulisya na maaaring nagkainggitan ang dalawang sapatero na nauwi sa pagsisigawan at barilan ng mga ito sa panulukan ng Burgos at Gomez Streets sa Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac.

Ang biktima ay kinilala ni PO2 Mario Simeon na si Joseph Perez, 54, may asawa, at may-ari ng Joepers Shoe Repair, ng Bgy. Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac.

Nahaharap sa frustrated murder si Leonardo Ariola, alyas Nards, nasa hustong gulang, may-ari naman ng Nards Shoe Repair, ng Bgy. Cariño, Paniqui.

Pinaniniwalaang inggitan sa negosyo ang pinag-ugatan ng away ng dalawa. (Leandro Alborote)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?