Agaw-buhay ang isang obrero matapos pagsasaksakin ng anak ng kanyang live-in partner na nagtanim ng galit dahil paborito siyang utusan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Nova District Hospital si Lemuel Umogtong, 40, ng Phase 2, Block 2, Lot 22, Green Ville Subdivision, Barangay 172, Bagombong ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na si Arnold Tumaka, 24.

Ayon sa report, bandang 11 ng gabi, umuwing lasing si Tumaka at kinompronta si Umugtong dahil palagi itong inuutusan sa construction site na kanilang pinapasukan. Ikinatwiran naman ng amain na nais lamang niyang matuto ang anak-anakan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lalo lamang nagalit ang suspek at sinaksak ang biktima. (Orly L. Barcala)