Nobyembre 3, 1957 nang sa unang pagkakataon ay ini-launch ng Soviet Union ang isang aso sa kalawakan. Siya ay si Laika, na sumakay sa artificial space satellite na Sputnik 2. Layunin nitong matukoy kung ligtas ba para sa mga tao ang magbiyahe sa outer space.

Naka-survive si Laika sa loob ng spacecraft sa loob ng ilang araw. Kinabitan ng electrodes ang kanyang katawan, at ito ang nagta-transmit sa mga siyentista sa Earth ng mahahalagang impormasyon tungkol sa epekto sa katawan ng pagbibiyahe sa kalawakan. Iginiit ng mga opisyal ng Russia na namatay si Laika nang hindi nahihirapan makalipas ang isang linggong pananatili sa orbit.

Si Laika, isang babaeng Russian breed, ay isang asong paggala-gala sa mga lansangan ng Moscow na na-promote at naging cosmonaut dahil maliit at kalmado siya.

Nang mga panahong iyon, mas moderno ang Soviet Union sa United States sa usaping pang-kalawakan. Mahigit 10 aso ang kalaunan ay ibiniyahe rin sa kalawakan bilang paghahanda sa pagbiyahe ng Soviet cosmonaut na si Yuri Gagarin noong 1961, at nasa limang aso ang namatay habang nasa kalawakan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!