daniel padilla copyMARAMING first time na nangyayari sa buhay ng isang tao tulad ng first dance, first kiss, first job, high school graduation at iba pa na pawang may dulot na magagandang alaala.

Para sa teen actor na si Daniel Padilla, excited siya sa pagiging botante sa unang pagkakataon. Wala siyang iniendorsong kandidato, pero may napupusuan na, kaya todo ang paghikayat na ginawa niya sa mga kapwa niya kabataan na magparehistro lalo na ang mga tulad niya na first time to exercise their rights na bumoto sa 2016 elections.

Kaanib si Daniel sa proyektong National Movement of Young Legislators at malaki ang naging influence ni former Quezon City Councilor Mike Planas para maging aware si Daniel sa issues kaugnay sa nalalapit na halalan.

Sana lahat ng kabataan ay katulad ni Daniel na maagang naging responsableng mamamayan at nakikisangkot para sa paghubog ng maayos ba kinabukasan ng ating bansa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, sa larangan ng teleserye ay patuloy ang mainit na pagtanggap ng televiewers sa soap na Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn Bernardo. - Remy Umerez