Sinabi kahapon ni Vice President Jejomar Binay na sinumang makakatambal niya sa eleksiyon sa susunod na taon ay tiyak nang mananalo.

“Kahit sino ang maka-tandem namin, winnable, I can see,” sinabi ni Binay nang makapanayam sa San Quintin, Pangasinan.

Inihayag pa ng United Nationalist Alliance (UNA) chairman na nabawasan na ang listahan ng selection committee ng partido para sa mga pinagpipiliang maging running mate niya.

“Lima (pinagpipiliang running mate) yata,” sinabi ni Binay nang tanungin kung ilan na lang ang pinagpipilian para maging katambal niya sa halalan sa 2016.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Gayunman, tumanggi ang 72-anyos na bise presidente na tukuyin ang pangalan ng limang “finalists”.

“Your guess is as good as mine [because it’s with the] selection committee,” aniya.

Dahil na rin sa nauna niyang pagkumpirma, inaasahan nang kabilang sa limang posibleng maging running mate ni Binay si Senator Ferdinand Marcos, ng Nacionalista Party. - Ellson A. Quismorio