Marso 31, 1889 nang matapos ang paggawa sa 1,000-talampakan na Eiffel Tower sa Paris, France, makalipas ang dalawang taon, dalawang buwan at limang araw. Pinangunahan ni Gustave Eiffel ang isang grupo ng mga mamamahayag at pulitiko sa paglakad sa 1,710 baitang patungo sa tuktok. Itinayo ang tore upang ipagdiwang ang sentenaryo ng French Revolution para sa 1889 Exposition Universelle.

Hunyo 1884 nang buuin ng mga chief engineer na sina Emile Nouguier at Maurice Koechlin ang ideya tungkol sa tore.

Habang ginagawa, matiyagang binuo ang 18,038 bahagi nito ng may 300 manggagawa na gumamit ng kongkreto, crane at kahoy na andamyo. Ang mga piraso ng bakal ay pinagdugtong ng rivets, at ginawa ang tore sa tulong ng kahoy na andamyo. Ang elevator ng tore ay ginamitan ng hydraulic lifts.

Ang Eiffel Tower ang naging pinakamataas na istrukturang gawa ng tao hanggang noong 1930. Sabik namang nagbayad ang mga bisita ng five francs para marating lang ang tuktok nito.
National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso