Marso 28, 1939 nang magwakas ang tatlong taong Spanish Civil War, na kumitil sa halos isang milyong buhay sa Spain, nang maaresto ng National forces ang Madrid, at winagayway ng Republican forces ang kanilang puting bandila.
Noong Abril 1931, nang pumanig ang mga botante sa isang liberal republic imbis sa noon ay namumunong tagapamahala. Nilisan ni Spanish King Alfonso XIII ang bansa at naitatag ang Second Republic. Sa unang limang taon ng nasabing republic, naranasan ng probinsiya ng Basque at Catalonia ang pagiging malaya, at isinulong ng labor advocates at leftists ang iba’t ibang liberal reforms.
Inilunsad ni General Francisco Franco ang isang army revolt sa Morocco, na naging sanhi ng pagkakahati ng Spain bilang Nationalists at Republicans. Naging bayolente ang simbahan, sundalo at aristocracy upang labanan ang Second Republic. Tinulungan ng mga komunista mula sa iba’t ibang bansa ang Republicans. Noong Hunyo 1938, naging matagumpayang Nationalists sa paghahati ng teritoryo ng Republican sa Spain.