Ipinupursige ni Marinduque Rep. Regina Ongsiako Reyes na maideklarang mining-free zone province ang Marinduque.

Nakasaad sa kanyang House Bill 5566 ang pagbabawal sa mga aktibidad sa pagmimina gaya ng “exploration feasibility, development utilization and processing, and large-scale quarry operations involving cement raw materials, marble, granite, sand, and gravel construction aggregates” upang maprotektahan ang probinsiya na aniya hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin sa masamang epekto ng Marcopper mining catastrophe noong 1996.

Sinabi ni Reyes na winasak ng Marcopper mining disaster ang buong lalawigan sanhi ng pagtagas ng may 23 milyong tonelada ng mine and toxic wastes sa 26 kilometrong Boac River.

Ang pagtagas ng may lasong tubig ay nagresulta sa flashflood na nakaapekto sa may 4,400 residente mula sa limang barangay malapit sa ilog.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The Marcopper tragedy is known to be one of the largest and worst mining catastrophes in the world. This tragedy resulted in the destruction of homes, displacement of families residing near the rivers, and contamination of agricultural lands and livestock,” ayon kay Reyes.

Kapag naisabatas ang kanyang panukala, papatawan ng pagkabilanggong mula sa anim na taon haggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P500,000 sa sino mang tao, kawani o employment agencies na lalabag dito.