NAINTERBYU ng ABS-CBN news team si Bernard Palanca nang dumalo ang aktor kasama ang kinakasamang si Jerika Ejercito sa kasal nina Patrick Garcia at Nikka Martinez nitong nakaraang Sabado.
Masaya niyang ibinalita na annulled na o napawalang-bisa na ang kasal niya kay Meryll Soriano.
Naging bunga ng pagsasama nila ng aktres ang kaisa-isa nilang anak na si Elijah.
“After six to seven years , I’m legally annulled,” pahayag ni Bernard.
Wala na raw sagabal sa kanila ni Jerika kapag naisip na nilang magpakasal.
“We are on the right path. Legally, I can ask her,’ sey ng aktor.
Handa na rin daw siyang pakasalan si Jerika dahil ito ang ipinangako niya sa sarili, ang ihatid sa altar ang anak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
“I don’t see the relationship going anywhere but there,” mariin niyang sabi, na sinalo naman ni Jerika ng, “Walang nagmamadali.”
“If they gave me enough shows to make that much,why not? As long as we got the confirmation, I’m happy already. If it will lead to marriage, the sooner, the better,” sey pa ng aktor.
May isang anak sina Bernard at Jerika, si Isaiah at pinaplano na nila ang first birthday party nito.