Laro ngayon: (Rizal Memorial Baseball Stadium)

9 a.m. – UP vs. UST (softball semis)

Ang karapatang makaharap ang 5-peat seeking Adamson University (AdU) sa finals ang pag-aagawan ng University of Santo Tomas (UST) at University of the Philippines (UP) sa kanilang pagtutuos ngayon sa UAAP Season 77 softball stepladder semis sa Rizal Memorial ballpark.

Napuwersa ng 3rd seed Tigresses ang rubber match makaraang burahin ang twice-to-beat advantage ng second seed Lady Maroons sa pamamagitan ng 7-2 panalo sa second game stepladder semifinals.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Taliwas sa naging tunggalian nila para sa No. 2 seeding, kung saan napabayaan ng Tigresses ang naiposteng 3-0 kalamangan, naging maingat na sila sa ikalawang pagkakataon at inalagaan na ang naitalang 4-0 panimula.

Muli, ito ang misyong gagawin ng Tigresses ngayon upang malimitahan ang kanilang mga error para muling makapasok sa finals mula ng huli silang magkampeon noong 2011.

Ang magwawagi sa nasabing laban ang haharap naman sa Lady Falcons na may taglay na thrice-to-beat advantage makaraang walisin ang eliminations na nagpalawig sa kanilang record streak sa 60 games.