Ikinanta ng isa sa mga testigo sa madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao ang ilang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nasa likod ng brutal na pagpatay sa 44 na police commando.

Bagamat tumangging pangalanan dahil sa isyu ng seguridad, sinabi ng source na isinumite ng testigo ang kanyang affidavit sa joint National Prosecution Services-National Bureau of Investigation (NPS-NBI) na rito nakadetalye ang mga nangyari sa 12-oras na bakbakan ng mga armadong rebelde at ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa malawak na maisan sa Mamasapano noong Enero 25.

Bukod sa mga police commando, 18 miyembro ng MILF at limang sibilyan ang napatay sa insidente.

Kinilala ng saksi ang mga MILF commander na sangkot sa madugong bakbakan na sina Kumander Maku, Kumander Ben Tikaw, Kumander Salik Kikok, Kumander Rifi, Kumander Anife, Kumander Resbak, Kumander Tamano at Kumander Haumves.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Kinumpirma ng testigo na nagsama ang puwersa ng MILF at BIFF nang paulanan ng bala at bomba ang mga tauhan ng PNP-SAF na naatasang hulihin ang Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, at si Basit Usman.

Sa panig ng BIFF, tinukoy din ng testigo ang mga sangkot sa sagupaan na sina Kumander Bisaya, isang “Muslini Amilil”; at isang “Maroks Nanding.”

Bukod sa MILF at BIFF, isa pang grupo na binansagang “Massacre Group” ang umatake rin sa mga police commando, dagdag pa ng source.