AGONCILLO, Batangas— Patay sa pamamaril ang isang lalaki na kabilang sa drug watchlist ng pulisya sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Andres Tradio, 52, tubong Coron, Palawan at nasa listahan ng top 10 drug personalities.

Ayon sa report ni PO2 Arwhin Mercado, bandang 7:00 pm noong Marso 17, nagte-text ang biktima sa harapan ng isang tindahan sakop ng Barangay Poblacion nang huminto sa kanyang tapat ang nakamotorsiklong suspek at binaril siya. Isinugod pa sa Batangas Provincial Hospital ang biktima ngunit patay na ito.

Nakarekober ang mga awtoridad ng mga basyo ng bala ng cal.45 baril sa lugar ng krimen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dalawang beses nang naaresto ng mga pulis si Tradio sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, ayon sa ulat.