TARLAC CITY - Hindi na inirespeto ng isang binata ang kanilang kagawad sa Barangay Sta. Maria sa Tarlac City makaraang looban niya ang bahay nito.

Ayon kay PO2 Benedict Soluta, nasa P24,000 cash ang natangay kay Romero Castro, 54, kagawad ng Bgy. Sta. Maria, ni Joselito Niquid, 20, na nagawang makatakas.

Dakong 3:00 ng hapon nitong Marso 12, nagpapastol ng mga alagang kambing si Castro nang mamataan niya si Nuquid habang binabaklas ang limang jalousy window sa kanyang bahay hanggang tuluyan itong nakapasok at natangay ang pera sa cabinet.

Hinabol ni Castro ang suspek pero hindi niya ito naabutan.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod