Namatay ang magkapatid na batang babae at lalaki matapos silang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Caloocan City Fire Marshall Supt. Jeremy Diaz, kinilala ang mga nasawi na sina Sonny Castro, 2; at Gabriela Castro, 7, kapwa taga-Lot 17, Block 34, Diamond Street, Mayhomes 2, Barangay 172, Camarin, Caloocan City.

Mapalad namang nakaligtas ang dalawa pa nilang kapatid na sina Jorge, 4; at John Roy, 10, matapos tumalon sa bintana ng bahay ang mga ito.

Kuwento ni SFO1 Benedicto Tudla, dakong 2:35 ng umaga nang masunog ang bahay ng pamilya Castro.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nabatid na nagmula sa ikalawang palapag, sa kuwarto nina Sonny at Gabriela, ang sunog na noon ay himbing na himbing ang magkakapatid.

Napag-alaman na wala ang mga magulang ng mga bata nang mangyari ang sunog.

Nagising umano sina John Roy at Jorge at hindi na nagawa pang mailigtas ang mga kapatid dahil malaki na ang apoy kaya napilitan na lang silang tumalon sa bintana.

Umabot ng P1 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy, na naapula dakong 3:05 ng umaga.

Inaalam pa ng arson investigator kung ano ang pinagmulan ng sunog.