Aiko Melendez

MAS masuwerte yata si Aiko Melendez kapag walang lovelife dahil maganda ang takbo ng career niya. Kapapanalo lang niya ng Best Actress sa 7th International Filmmaker Festival of World Cinema for Foreign Language Film na ginanap sa London para sa pelikulang Asintado na sayang dahil hindi niya personal na tinanggap ang tropeo dahil may taping siya ng Inday Bote kasama sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Matteo Guidicelli.

Sa solo interview kay Aiko sa grand presscon ng Inday Bote ay pabiro niyang sinabi na sa sobrang tuwa niya ay dala-dala niya ang tropeo saan man siya magpunta.

Nag-iisang Pilipina si Aiko na nominado sa nasabing kategorya at ang mga nakatunggali niya ay madalas nang napapasama sa international film festivals.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Talagang sobrang flattering at talagang masayang-masaya ako. God loves me talaga,” sabi ng aktres.

Ngayong international award winner na si Aiko, magiging mapili na ba siya sa mga papel na gagampanan niya?

“After ng MMK (Maalaala Mo Kaya) win ko, naging mas mapili na ako sa mga roles na ginagawa ko, and siguro ngayon, mas magiging mapili at mas magiging ano ba ang word na tamang gamitin? Hindi naman meticulous pero mas ‘yung gagawin ko na talaga ang gusto kong gawin kaysa ‘yung gagawin mo lang just for the heck of para makita lang nila na nakabalik ka sa show business.

“Ngayon, mas de-kalidad ang gagawin kong pelikula and hopefully, sa mga TV shows din. ‘Eto, inumpisahan na nga ng Inday Bote, hindi naman ako mapapahiya na ang unang soap ko for this year ay tinanggap ko ang Inday Bote kasi ‘pag pinanood n’yo, sa effects pa lang namin, ginastusan talaga, and ‘yung istorya namin, ang ‘yung role ko rito, kakaiba,” tuluy-tuloy na kuwento ni Aiko.

Sa Lunes na mapapanood ang Inday Bote mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin handog ng Dreamscape Entertainment.--Reggee Bonoan