Tatlong beterano at tituladong Amerikanong coach sa athletics ang tutulong sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) upang makagawa ng malawakang programa at maihanda ang pambansang koponan sa paglahok sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Kinilala ni PATAFA president Philip Ella Juico ang mga premyadong coach na si Dick Beardsley na nakatala sa Guiness Book of World Records matapos na maimarka ang 16 sunod na pinakamabilis na personal na oras sa marathon at Wilfred “Bill” Schner na naging coach sa dalawang Olympic medalist.

“I will not mention the name of the third coach until such time that he already accept the job offer,” sinabi ni Juico.

Ipinaliwanag ni Juico na ang pagkuha sa tatlong Amerikanong coach ay bahagi ng tulong na mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda sa Singapore SEA Games sa Hunyo 5 hanggang 16.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaan na hindi pa rin aprubado ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kasalukuyang liderato ng PATAFA kung kaya hindi nakapagsasanay ang pambansang atleta sa labas ng bansa bilang foreign exposure o pagsali sa training camps.

Hindi rin mabibigyan ng pondo ang PATAFA dahil kahit na mayroon itong rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay hindi naman makumpleto ang hinihinging mga dokumento ng Commission on Audit (CoA).

Sinabi ni Juico na hahawakan ni Beardsley, na naging popular matapos maganap ang kontrobersiyal na dead heat na labanan noong 1982 Boston Marathon kontra sa kampeon na si Alberto Salazar, ang koponan sa marathon na binubuo nina Edward Buenavista, Rafael Poliquit, Mary Joy Tabal at Grace delos Santos.

“Beardsley will handle the long distance runners while Bill Schnier will coach the rest of the team except for throwing event. The throwing event will be handled by the last one which we are still waiting,” pahayag ni Juico.

Si Wilfred “Bill” Schnier ay nagsimula ng kanyang coaching career sa Trotwood-Madison High School at apat sa kanyang atleta ay naging college All-Americans na binubuo nina Lamar Preyor (double State Champ), Jeff Dils, Tom Rapp, at Gary Loe.

Si Schnier ay naging head coach ng track at cross country sa University of Cincinnati sa loob ng 30 taon. Produkto nito ang dalawang Olympic medalist na sina David Payne na nagwagi ng pilak sa 2008 hurdles at si Mary Wineberg na miyembro ng 4x400 gold medal relay.

Naturuan din ni Schnier ang anim na NCAA Division 1 All-American, walong Bearcat alumni na nakuwalipika sa 2008 Olympic trials, at 12 Champion Conference team titles. Kinilala ito bilang Conference USA “Coach of the Decade,” kapwa sa track at cross country.

Ito ay naging Conference Coach of the Year ng 15 beses at maging sa Ohio Cross Country Coach of the year ng 2 beses.

Ginabayan nito ang 131 individual conference champions at 21 NCAA Division 1 qualifier. Ang record nito sa cross country ay 155- 61.

Si Schnier ay nag-aral sa Capital University kung saan ay naging miyembro siya ng track team at patuloy na hawak ang 800m record noong 1966.

Miyembro ito ng 4x800 relay team na may hawak ng Capital school record.