Pinawi ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng publiko laban sa meningococcemia na umano’y dahilan ng pagkasawi ng isang paslit sa Caloocan City noong Huwebes.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DoH, walang dapat na ipangamba ang publiko dahil isolated case lang ito.
Nauna rito, sinuspinde ang klase sa isang paaralan sa nasabing lungsod mula Huwebes ng hapon hanggang Biyernes, dahil sa kumalat na balita.
“Walang dapat ipangamba ang komunidad. Isolated case ito,” paglilinaw ni Lee Suy.