BUTUAN CITY - Isang 20-anyos na babae ang namatay habang kritikal naman ang kanyang ama matapos silang makuryente habang nagkakabit ng antenna ng telebisyon sa inuupahan nilang bahay sa Talacogon, Agusan del Sur.

Kinilala ni Supt. Martin M. Gamba, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-13, ang nasawi na si Evelyn Bolotaolo Ranile, ng Purok Bougainvilla, Barangay San Agustina, Talacogon.

Ang ama ni Evelyn, na si Elmer A. Ranile, ay isinugod sa Talacogon District Hospital subalit kinalaunan ay inilipat din sa Tagum Regional Hospital at doon ginamot sa matinding sunog sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, nagkakabit ng antenna ng telebisyon si Elmer sa bubungan ng kanilang bahay nang bigla itong makuryente nang madikit sa high tension wire ang hawak na tubo dakong 3:00 ng hapon nitong Sabado, at nang sinaklolohan ni Evelyn ay nakuryente rin ang huli. (Mike U. Crismundo)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20