Marso 9, 1959 nang ipakilala sa publiko ang Barbie Doll, at naka-display sa American Toy Fair sa New York City ang unang modelo nito. Binuo ni Ruth Handler at ng kanyang asawa ang manyika.
May taas na 11 pulgada at blond ang buhok, ang Barbie ang unang mass-produced doll sa United States. Nagsilbing inspirasyon ng Barbie ang Lilli doll, na pumatok sa mga bata.
Taong 1961 nang magkaroon ng kasintahan si Barbie na pinangalanang Ken. Si Midge, ang kanyang matalik na kaibigan, ay inilabas makalipas ang dalawang taon. Bilang halimbawa ng isang babae, nagkaroon si Barbie ng iba’t ibang trabaho, gaya ng airline stewardess, piloto, astronaut, doktor, Olympic athlete, at presidential candidate.
Mahigit 800 milyong Barbie doll ang naibenta simula 1959. Umaabot sa $1 billion ang benta ng Barbie doll kada taon simula noong 1993.