Marso 7, 1876 nang pagkalooban ng patent si Alexander Graham Bell para sa imbensiyon niyang telepono.

Nagtrabaho si Bell, na isinilang sa Scotland, katuwang ang kanyang ama na si Melville Bell sa London. Gumawa ang kanyang ama ng Visible Speech, na ginagamit sa pagtuturo sa mga pipi upang makapagsalita. Lumipat ang mag-ama sa Boston, Massachusetts noong 1870s.

Hindi nagtagal, naging interesado si Bell sa ideya ng pagsasalin ng tunog gamit ang mga kable, naging inspirasyon niya ang telegraph ni Samuel Morse noong 1843.

Bumuo sina Bell at Thomas Watson ng isang telephone prototype. Ang ibat’t ibang uri ng tunog ay lumulusot sa pamamagitan ng electric currents na mayroong vibration mula sa iron plate diaphragm. Ang unang mensaheng nabanggit sa telepono ay: “Mr. Watson, come here, I need you.”

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'