Nagpaabot na rin ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) emergency response unit (ERU) para sa mga biktima ng sunog sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Napag-alaman na isa ang PRC sa mga agarang rumesponde sa sunog sa panulukan ng Susan at Blumentritt Streets sa Sampaloc sa Maynila, sa layuning palakasin ang Red Cross-ERU ngayong Fire Prevention Month.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, sa kasalukuyan ay mayroon nang 18 fire truck, 13 water tanker at mahuhusay na bombero sa buong bansa.

Base sa datos ng PRC, ay aabot na sa 20 sunog ang naitala ngayong Marso, kaya mahigpit ang paalala sa publiko na mag-ingat.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20