Dalawang estudyante ang namatay at isa ang nasa malubhang kalagayan makaraan silang araruhin ng cargo truck sa Albay, iniulat noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Daraga Police, dakong 7:00 ng gabi noong Marso 4, nag-aabang ng masasakyan sina Rona Alcera, Laurence Suriao at Lea Andaya, pawang estudyante ng Anislag National High School, sa Barangay Anislag nang salpukin sila ng pagewang-gewang ang takbo na truck.

Agad na nasawi sina Alcera at Suriao, habang malubha naman ngayon si Andaya.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang truck kaya nagpagewang-gewang ang takbo nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatakas ang driver ng truck.