Nanindigan kahapon ang Malacañang sa legalidad ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa kabila ng pagkuwestiyon ni Senator Miriam Defensor-Santiago kung naaayon ang panukala sa BBL.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. na 14 na miyembro ng Constitutional Commission na bumuo sa 1987 Constitution ang nagsabing walang ilegal sa BBL.

“Ayon sa kanila, ‘the core principle of the 1987 Constitution in mandating a special status for the autonomous regions is the human development of the people of Muslim Mindanao and the Cordilleras. Hence, the public conversation should not be about semantics but about the people, their needs, their aspirations, their choices and about empowering them with the environment and institutional framework for social justice,” ani Coloma.

“An interpretation of any relevant provision of the Constitution that results in war and abject poverty will be contrary to its intention,” basa pa ni Coloma. “In this manner, Bangsamoro can be a model for us to do the same for the rest of the country and thereby build together a more just and peaceful nation.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinukuwestiyon ni Santiago ang legalidad ng panukalang BBL, sinabing dapat na inaprubahan ng Senado ang mga pakikipagnegosasyon sa pagtatatag ng Bangsamoro entity.

Sinabi pa ni Santiago na dapat na bumuo ang Palasyo ng isang komite na magrerebyu sa legalidad ng BBL.

Gayunman, tiniyak ni Coloma na siniguro ng gobyerno na naaayon ang panukalang BBL sa mga probisyon ng 1987 Constitution.

Nasa balag na alanganin ang pagpapasa sa BBL kasunod ng engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang napatay ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).