Brent at Andi

NAGING emotional si Gabby Eigenmann sa presscon ng Pari Koy dahil nataong birthday niya at natanong tungkol sa amang si Mark Gil na hindi niya nakasama. Nangilid ang luha ni Gabby nang pag-usapan ang ama, pero agad ding nakapagpigil.

Hindi na nagpa-party si Gabby sa birthday niya dahil ang presscon na ang party niya. Pero magpapa-dinner siya sa kanyang mga kapatid.

Wala na rin siyang hinihintay na birthday gifts dahil malaking birthday gift na sa kanya ang Pari Koy na pilot airing sa May 9 at ang InstaDad na airing sa March 22. Pero nagpahabol si Gabby na masarap pa ring magbukas ng regalo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Balik-kontrabida si Gabby sa Pari Koy bilang si Jude Banal na isang corrupt na barangay captain. Pumayag lang siyang magkontrabida dahil kayDingdong Dantes, a very good friend.

Bawi naman siya sa InstaDad na mabait ang karakter at ama ni Gabbi Garcia. Sabi ni Gabby, ma-i-enjoy niya na Sunday to Saturday siya mapapanood sa TV.

Samantala, natawa kami sa sagot ni Gabby na “wala namang may gusto doon” nang may magtanong tungkol kay Brent Jackson, ang on and off na boyfriend ng kapatid niyang si Andi Eigenmann. Nabuking tuloy na ayaw ng pamilya Eigenmann sa binatang tisoy.

Alam daw ni Andi na hindi siya pabor kay Brent gaya ng ina nitong si Jaclyn Jose, pero ito pa rin ang masusunod. --Nitz Miralles