Max Collins

SIGURADONG matutuwa si DMB dahil ang favorite Kapuso actress niya na si Max Collins ang cover ng March at 15th Anniversary Special Collection issue ng FHM. Maganda ang ginawa ni Max na left thigh at boobs lang ang ipinasilip sa cover ng men’s magazine.

Disente pa rin ang dating at hindi bastusin.

At least, marami pa siyang ipakikita the next time na mag-cover siya ng men’s mag. Wala pa kaming nahanap na kopya magasin dahil this week pa lang ang presscon, kaya hindi pa namin nakikita ang nunal ni Max na palatandaan ng kanyang fans para malamang siya ang tini-teaser ng FHM. 

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Saang parte kaya sa kanyang katawan ang nunal ni Max at pati ‘yun, alam ng kanyang fans.

Simula lang pala ang pagpayag na makipag-kissing scenes sa Kailan ba Tama Ang Mali  kina Geoff Eigemann at Dion Ignacio ni Max para sa unti-unting pagpapaka-daring. After FHM, ano kaya ang next move ni Max?

Anyway, pareho namin gusto ni DMB si Max dahil sincere, mabait makipag-usap sa press, at kahit saan siya makita ay siya ang unang bumabati. Mag-i-effort talagang bumati at ‘pag busy ka sa phone na nangyari sa amin, tatawagin ka saka bebeso.

Bihirang-bihira ang artistang katulad niya. --Nitz Miralles