ABS-CBN-RATINGS-copy-619x429

MAGANDA ang pasok ng 2015 para sa ABS-CBN na pumalo nitong buwan ng Enero sa average national audience share na 42%, lamang ng anim na puntos sa 36% ng GMA, ayon sa viewership survey ng Kantar Media.

Hindi natitinag ang Kapamilya Network sa pamamayagpag sa ibat’t ibang panig ng bansa kabilang ang Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) sa average total day audience share na 45%, sa Visayas na may 56%, at sa Mindanao na mayroong 48%. Nakakuha naman ang GMA ng 36%, 26%, at 31% audience share sa mga nasabing lugar, ayon sa pagkakasunod.

Patuloy na nangunguna ang primetime (6PM-12MN) block ng ABS-CBN sa average audience share na 47%, lamang ng 14 na puntos sa 33% ng GMA. Pinakamahalagang timeblock ang primetime dahil sa mga oras na ito pinakamarami ang nanonood kaya’t importante ito sa advertisers na nais maabot ang mas nakararaming Pilipino.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nanatiling malakas ang Primetime Bida ng Kapamilya network tampok ang mga de-kalibreng teleserye kabilang ang Dream Dad (25.8%), Forevermore (24%), at Two Wives (18.9%).

Panalo rin ang espesyal na coverage ng ABS-CBN sa pagbisita ng Santo Papa noong Enero 15-19 na pinamagatang “Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas.” Nagtala ito ng average national TV rating na 13.2%, kumpara sa nakuha ng coverage ng GMA na “Ang People’s Pope sa Pilipinas: A GMA News Special Coverage” (10.9%).

Tinutukan din ng viewers ang live coverage ng Kapamilya network ng ika-63 Miss Universe beauty pageant noong Enero 26 (Lunes) na umabot ng national TV rating na 16.8%.

Samantala, mainit namang tinanggap ng mga manonood ang pinakabagong feel-good daytime TV program na Oh My G na nakakuha ng average national TV rating na 14.4% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na may 7.5%.

Kabilang din sa top ten programs sa Pilipinas noong Enero ang Maalala Mo Kaya (25.5%), TV Patrol (23.7%), Rated K (22.2%), Home Sweetie Home (21.9%), Wansapanataym (21.8%), The Voice of the Philippines (20.7%), at Mga Kuwento Ni Marc Logan (18.9%).