Nakamit ng De La Salle University ang solong pamumuno matapos pataubin ang University of the Philippines, 3-0, sa ginaganap na UAAP Season 77 men’s football tournament sa FEU Diliman field.         

Hindi pinaporma ng  Green Booters si  Fighting Maroons ace striker Jinggoy Valmayor upang makamit ang panalo at makatipon ng 29 puntos para umangat sa ituktok ng standings.

Dahil sa pagkabigo, bumaba ang UP katabla ang Far Eastern University na may 27 puntos, at nahaharap ang Maroons na posibilidad na makaharap ang defending champions sa Final Four.

“This is the best game we played,” ani La Salle mentor Hans Smit, na ang koponan ay nananatiling walang bahid sa kanilang walong panalo at limang draw. “I told the boys, regardless what happens, we achieved our target (Final Four). But now we are here, why not go all the way and see how far we can go and this is morale booster.”      

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nauna rito, nakapuntos na rin sa wakas ng panalo ang Adamson University matapos ang muling lumahok sa men’s football pagkaraan ng mahigit isang dekada ng hindi pagsali pagkaraang makapuwersa ng 2-2 draw kontra sa 10-man squad ng University of the East.

“It’s a no-bearing game pero sinabi ko sa mga bata na maglaro lang ng maayos. Nag-usap kami ng players at sinabi ko sa kanila bago matapos ang season na makakuha kami kahit draw,” ayon kay Falcons coach Nolan Manito.        

“I won’t promise, but in the next season, Adamson promised support for the team and may pupuntahan kami,” dagdag pa nito.