BAMBAN, Tarlac - Marahas at malagim na kamatayan ang sinapit ng isang hindi nakilalang lalaki na matapos dukutin at igapos ng electrical cord ay pinagtulungan pang bugbugin bago sinilaban sa madamong bahagi ng Sitio Bulosan sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac nitong Miyerkules.

Sa report ni PO3 July Baluyut, ang lalaking biktima ay may taas na 5’8”, balingkinitan, maputi, may suot na wedding ring sa kaliwang daliri at nakasuot ng puting t-shirt.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na maaaring pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar para sunugin.

Patuloy pang pina-follow up ng pulisya ang kasong ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakalagak ang labi ng lalaki sa Ilagan Funeral Homes sa Tarlac City.