Pebrero 19,1878 nang pagkalooban si Thomas Edison (1847-1931) ng U.S. Patent No. 200,521 para sa kanyang imbensiyong phonograph, na kanyang binuo sa isang laboratoryo sa New Jersey.

Nagsilbing inspirasyon ni Edison ang telegrama at telepono. Naisip ni Edison na kung ang mga code messages ni Morse ay maaaring isalin sa papel at pag-uusap sa telepono, maaari rin itong isaplaka. Dahil dito, bumuo si Edison ng isang system na makakalikha ng sound vibrations, gumamit siya ng paraffin paper, pinalago ang kanyang ideya, at gumamit ng cylinder.

Ginagamit ang phonograph upang mapaganda ang tunog mula sa cylinder na tinatakpan ng manipis na foil. Hindi nagtagal, ito na ang ginagamit sa pagsasaplaka ng mga awitin noong 1890.

Taong 1920 nang pagsamahin ang phonographs at electric loudspeakers at noong 1948 nang ilagay ng Columbia Records ang long-playing standard sa phonographs. Tuluyan itong nawala noong 1980 matapos pumatok ang cassette tapes.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!