Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga dahilan kung bakit dapat kapanabikan ang pagreretiro.

  • Ordinaryong araw na lang ang weekends – Ayon sa aking mga amigang nagretiro na, maituturing nang holiday ang bawat araw. Hindi mo na kailangang hintayin pa ang Sabado at Linggo upang makapahinga nang may kasarapan. Sa totoo lang, ang mga weekend para sa isang retirado ay pintong araw ang haba, hindi dalawang araw lamang (isang araw para sa ilang manggagawa). Tinatamasa ng mga retirado ang kaligayahan at financial benefits ng midweek deals sa mga resort, restaurant, at hotel sapagkat mura lang ang singil ng mga ito sa mga araw na matumal ang pagpasok ng mga kliyente. Wala nang mahahabang pila sa rides sa mga theme park, at higit sa lahat walang traffic sa matutumal na arawAng pagkakaroon ng abilidad na mag-explore ng bagong mundo nang hindi gumagastos nang malaki na hindi kailangang maghabol ng oras ay isa sa maiinam sa pagreretiro.
  • May oras para sa mga hilig. – Sa pagreretiro, walang ibang magpupuno ng iyong kalendaryo ng mga aktibidad kundi ikaw. Maitatakda mo kung ano ang nais mong gawin sa napakarami mong oras. Wala na ang mga bagay na nagpapapagod sa iyong isipan. Kaya kung nais mong mapanatiling matalim ang iyong utak, kailangang ikaw na ang gumawa ng paraan. Sa pagreretiro, maaari mo nang pasimulan ang matagal mo nang binabalak na proyekto, maging ano man iyon. Magagawa mo na ang iyong mga hilig, halimbawa na lamang ang pagluluto ng bagong putahe na maaari mo ring pagkakitaan kalaunan kung nais mo. Kung gusto mo namang maaliw, maraming games na babagay sa iyong kakayahan sa computer, mga larong hahamon sa iyong abilidad na mag-solve ng mga problema at misteryo. Maaari ka ring mag-aral ng foreign language. Tumuklas ng bagong karunungan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Habang sinusulat ko ang artikulong ito, nahinto ako sa huling pangungusap ng sinundan nitong talata, nangarap akong bigla sa mga maaari kong gawin sa sandaling ako ay nagretiro na. Sa dami ng mga gusto kong gawin, hindi ko alam kung alin doon ang sisimulan ko.

Ang kalayaang pumili ng gagawin at kung paano mo gagawing kapaki-pakinabang ang iyong mga oras ang pinakamainam sa pagreretiro.