Hapee's Bobby Ray Parks balance himself as he tries to control the ball against the defense of Cagayan Valley's Celedonio Trollano during PBA D-League game 1 finals action ta SanJuan Arena.   Photo by Tony Pionilla

Laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

3 pm Cagayan Valley vs. Hapee

Pormal na makamit ang hangad na titulo ang tatangkain ng Hapee sa muli nilang pagsabak sa Cagayan Valley sa Game Two ng kanilang best-of-three finals series ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City,

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa ganap na alas-3:00 ng hapon tatargetin ng Fresh Fighters na mawalis na ang serye matapos ang kanilang naitalang 82-74 panalo sa Game One.

Gayunman, inaasahan na ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na hindi susuko ang Rising Suns sa kanilang pagtatagpo.

"I expect it to be a lot tougher on Thursday," ani Magsanoc.

Ngunit gaya sa Game One, muli sasandigan ni Magsanoc ang kanyang big men na sina Ola Adeogun at Troy Rosario na siya ring nanguna sa Fresh Fighters sa finals opener.

"I'm hopeful that Adeogun and Rosario will continue to hold the fort for us," dagdag pa ni Magsanoc.

Nagtala ang Nigerian center na si Adeogun ng 21 puntos at 15 rebounds habang nag-ambag naman si Rosario ng 16 puntos at 4 rebounds.

Bukod sa dalawa, inaasahan din ang pagbawi ng conference MVP na si Bobby Ray Parks na nalimitahan lamang sa 6 puntos, 5 rebounds at 3 assists sa Game One.

Sa panig naman ng Rising Suns, tiyak na muling mamumuno sa kanila si Fil- Tongan Moala Tautuaa na tumapos na may 16 puntos at 15 rebounds ngunit kinakailangan nito ng sapat na suporta ng kanyang teammates, partikular sa endgame.

"Kinapos sa huli. Pero ang talagang mali namin ay dapat strong start agad, hindi puwedeng magpapalamang ka ng malaki tapos maghahabol lalo pa at Hapee ang kalaban mo," ayon naman kay Cagayan coach Alvin Pua.