CABANATUAN CITY - Naaalarma ngayon ang isang mataas na opisyal ng Bugkalot Tribes sa tri-boundaries ng Nueva Vizcaya, Aurora at Quirino dahil sa unti-unting pagkatuyo ng Casecnan River na isinisisi sa Amerikanong operator ng dam, na $600-milyon build-operate transfer component ng Casecnan Multipurpose Irrigation & Power Project (CMIPP).

Ayon kay Rocky Valderama Jr., miyembro ng Board of Directors ng Confederation of Bugkalots sa Aurora, Nueva Vizcaya at Quirino, inakusahan niya ang California Energy Casecnan Water and Energy Company Inc. (CECWECI) sa umano’y pagda-divert ng malaking volume ng tubig mula sa Casecnan na naging dahilan ng pagkatuyo at kawalan ng kabuhayan ng mga mangingisda mula sa tribong Bugkalot.

Dahil dito, huminto na sa pangingisda ang mga Bugkalot mula sa siyam na barangay ng Nagtipunan sa Quirino at mga barangay ng Pelaway at Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya.
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon