Tiniyak ng Aklan Provincial Agriculture Office na may sapat na supply ng pagkain sa Boracay Island sa Malay sa tag-araw.
Ito ang siniguro ni Provincial Agriculturist William Castillo dahil ilang grupo ang nangangamba sa kakaunting supply ng isda at iba pang seafood sa kilala sa buong mundo na beach destination, na dinadagsa ng milyun-milyon tuwing tag-araw.
Gayunman, hinimok ni Castillo ang provincial farming industry na mag-produce ng mas maraming pagkain upang matiyak na sasapat ito sa demand sa isla sa summer.
Sinabi pa ni Castillo na karamihan sa mga produktong agrikultural na ginagamit ng mga restaurant sa Boracay ay nagmula sa Iloilo, Davao at Baguio.