SORRY PO ● Iniulat na humingi kamakailan ng paumanhin sa publiko ang anak na lalaki ng bantog na action star Jackie Chan, at humingi ng isa pang pagkakataon kasunod ng paglaya nito mula sa anim na buwang pagkakahoyo dahil sa paggamit ng marijuana sa tirahan nito. Sa isang news conference sa Beijing, China, sinabi ni Jaycee Chan, 32, na pagtutuunan na niya ng panahon ang kanyang pamilya at ang kanyang career sa showbiz.

Aniya, wala siyang rason o dahilan sa kanyang iniasal na nauwi sa kanyang pagkaaresto noong Agosto 2014 kasama ang isa pang Taiwanese na aktor na si Ko Kai at iba pa. “After this correction by the justice system, I have changed my outlook on life and my values,” ani Jaycee. Nagpositibo si Jaycee at Ko sa marijuana, at nakumpisa ng pulisya ang mahigit 100 gramo ng droga sa apartment nito sa Beijing. Nagpaumanhin din si Jackie Chan sa publiko dahil sa insidente at nangako naman siyang tutulungan niya si Jaycee na magbago. Mahalaga ito para kay Jackie dahil sa kanyang estado bilang anti-drugs ambassador and deputy to the national legislature’s main consultative body ng China. “I’m very ashamed that I haven’t been a good role model,” ani pa ni Jaycee. “I want to start again, but I know that it’s the mass media that will decide.” Walang sinasanto ang batas sa China pagdating sa droga, maging anak ka pa ng isa sa pinakasikat na tao sa mundo.

***

ISINULAT SA TUBIG ● Sa isang ulat, binabatikos ang mga minister sa Sierra Leone dahil sa kabiguan nitong maipakita kung saan napunta ang mahigit sa $3 milyon bilang internal emergency fund para sa paglaban sa Ebola virus. Ni walang dokumentong maipakita upang suportahan ang mahigit $3 milyong halaga ng kontrata habang mahigit $2.5 milyon naman ang kulang sa dokumentasyon, ayon kay Auditor General Laura Taylor-Pearce ng Sierra Leone, sa isang report. Ayon pa sa ulat, mayroong lapses sa financial management system sa Sierra Leone at nauwi ito sa pagkawala ng pondo at kabawasan sa kalidad ng serbisyoi sa sektor ng kalusugan. “It is hoped that adequate action will be taken to address issues raised in this report in order to prevent future reoccurrence of this nature,” dagdag pa sa report. Pumalo na sa mahigit 11,000 ang kaso ng Ebola sa Sierra Leone at 3,363 na ang namamatay. Ang salapi ay nagmumula sa buwis, mga donasyon ng mga institusyon at indibiduwal, at cash mula sa mga bansang miyembro ng UN. Nakaw dito, nakaw doon, ngunit wala namang nahohoyo. Malala rin pala ang katiwalian sa mga bansa sa West Africa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race