Aicelle

SA presscon ng Class A: The Aicelle Santos Live in Concert na tipong birthday concert na rin, pilit na iniintriga ng ilang showbiz writers ang GMA Artist Center Power Belter -- at younger ka-look-alike ni Jaya -- kay Gian Magdangal.

Pero smile at deny to the max lang ang Aicelle kahit na may nagsasabi na may relasyon talaga sila.

Ano naman ang masasabi niya sa nabuwag na La Diva, ang grupo nila nina Jonalyn Viray at Maricris Garcia?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Happy ako kung ano ‘yung narating ng La Diva. But now kasi it’s a new adventure, eh. So, hindi mo alam what happens. You just jump and jump by faith. And if it’s a make, go; if it’s a break, then try another one. Gano’n lang naman,” katwiran ng Aicelle na seryosohang ginu-groom ngayon ng GMA Artist Center bilang bago nilang diva.

Gaganapin ang Class A concert ni Aicelle sa PETA Theater sa February 25.