Iginiit ni Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa pulisya na arestuhin at papanagutin ang nagbebenta ng mga digital video disc (DVD) ng pagpatay sa isang sugatang operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) matapos ang engkuwentro sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25, 2015.

“Some people capitalizing and financially gaining on the misery inflicted on the ‘Fallen 44’ is unacceptable,’’ ani Aquino.

Binigyang-diin ni Aquino na “this only relives the gruesome massacre that saddened millions of Filipinos and adds to the already burdened families of the victims.’’

Matatandaang kumalat online noong nakaraang linggo ang video ng pagbaril at pagpatay sa sugatang tauhan ng SAF na isa sa 44 na nasawi sa sagupaan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists