HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagluluksa sa mga nasawing miyembro ng Special Action Force (SAF) sa naganap na engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Aicelle Santos, ‘di inagaw si Gian Magdangal kay ShereeIsa sa mga bayaning ito si PO3 John Lloyd Sumbilla, na noong nakaraang taon lamang ikinasal sa kanyang misis na si Rachel na kasalukuyan namang buntis sa kanilang panganay. Maging noong magkasintahan pa lamang sila, nangamba na si Rachel sa tungkulin sa bayan ni John Lloyd dahil laging nasa bingit ng kamatayan ang kanyang mahal tuwing may mga mapanganib na misyon. Pero inirespeto niya ang trabaho ni John Lloyd at umasa na ang pagmamahalan nila ang lalong magpapatibay ng kanilang relasyon.

Bago sumabak sa misyon nitong nakaraang Enero 24, nakapag-text pa ang SAF trooper sa kanyang misis, ipinaalam na “papasok na kami…” na sinagot naman ni Rachel, na ipagdarasal niya ang kanilang kaligtasan… pero iyon na pala ang kanilang huling pag-uusap.

Panoorin ang pagganap nina Alden Richards at Kris Bernal bilang PO3 Sumbilla at ang misis niyang si Rachel sa Valentine’s Day special ng Wish Ko Lang, kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado, 3:15 PM, sa GMA-7.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20