BEIJING (AP) — Sinabi ng isang korte sa central China na isang dating mining tycoon na namuno sa isang crime gang na pumatay ng kanyang mga karibal ang binitay kasama ang apat pang kasapi ng gang.

Inihayag ng Xianning Intermediate People’s Court sa Hubei province noong Lunes na si Liu Han, kanyang kapatid na si Liu Wei at tatlo pang kalalakihan ang binitay sa isang hindi tinukoy na lugar at oras matapos aprubahan ang kanilang death sentences ng Supreme People’s Court.

Si Liu Han ay naging chairman ng energy conglomerate na Sichuan Hanlong Group sa southwestern province ng Sichuan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente