Nilimitahan ng Department of Public Works and Highways–Ilocos Norte 1st District Engineering Office ang pagdaan ng mga sasakyan sa Subec Bridge sa Manila North Road sa Bgy. Subec, Pagudpud, Ilocos Norte.

Ito’y habang isinasagawa ang konstruksiyon at pagpapalapad sa naturang tulay kung kayat pinayuhan ng Kagawaran ang mga motorista at bumibiyaheng publiko na bawasan pansamantala ang pagdaan dito.

Isang detour bridge ang itinayo na ang maaaring dumaan ay mga truck at sasakyan na hindi tataas sa 15 tonelada ang karga.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20