Pebrero 6, 1819 nang lagdaan ni Sir Stamford Raffles ang isang kasunduan sa noon ay Singapore ruler na si Sultan Hussein at Temenggong Abdul Rahman sa isang pampublikong seremonya. Saksi ang mga commander mula sa pitong barko, at itinaas ang watawat ng Union Jack.
Base sa kasunduan, ang Sultan at Temenggong ay tatanggap ng 5,000 at 3,000 Spanish dollars kada taon. Bilang kapalit, pinagkalooban ang British ng eksklusibong karapatan sa teritoryo. Si William Farquhar ang naging unang British Resident at Commandant ng teritoryo.
Isinulong ni Raffles na gawing modernong lungsod ang Singapore, na may kani-kanilang lugar para sa iba’t ibang grupong etniko, at may planong magpatayo ng mga imprastruktura, eskuwelahan, at gusali ng gobyerno. Tumulong din siya sa pagtatatag ng pantalan sa isla, na nakipagsabayan sa mga kalapit na pantalang Dutch.
Agosto 9, 1965 nang maging independent ang Singapore.