Nanawagan ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Dubai sa mga kaanak o kaibigan ng isang overseas Filipino worker (OFW) na comatose sa pagamutan sa United Arab Emirates (UAE).

Ang OFW na si Villamor Titco Carreos, dating nagtatrabaho sa Golden Sands Hotel Apartments sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) noong 2007 bilang labor supervisor ay nakaratay sa Rashid Hospital sa Dubai simula pa noong Nobyembre 6, 2008 matapos sumailalim sa operasyon sa utak at ma-comatose.

Ang nakakakilala sa OFW ay agad makipag-ugnayan sa Departmeent of Foreign Affairs (DFA), Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), 2330 Roxas Boulevard, Pasay City sa pagtawag sa (02) 834-4996/(02) 834-4580 o mag-email sa [email protected] o hanapin si Bb. Jiemarie Mortel.
Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11