Arci Munoz

HATI ang puso para sa dalawang babae ng karakter ni Jake Cuenca sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Pebrero 7).

Gaganap si Jake bilang si Marvin, isang lalaking patuloy na minamahal ang kanyang first love na si Lara (Arci Muñoz) sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya kasama ng kanyang asawang si Dianne (Andi Eigenmann).

Gaano kalalim ang isang pag-ibig para hindi ito malimot? Hanggang kailan kakayahin ng isang maybahay na mahalin ang kanyang asawang hindi siya kayang mahalin nang buung-buo?

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

 Tampok din sa MMK ngayong Sabado sina CJ Navato, Bugoy Cariño, Mika Dela Cruz, Andrea Brillantes, Miko Raval, Denise Aguilar, Carla Guevarra, AJ Muhlach, Lemuel Pelayo, at Zara Richards, mula sa panulat ni Joan Habana at sa  direksiyon ni Gary Fernando.